Ang Matalik Kong Kaibigan
Ayon nga kay Montgomery L. M, "True friends are always together in spirit" Tayong lahat ay mayroong isang tao na kasama natin sa lahat ng kasiyahan, biruan, at minsan pa ay iyakan. Ang mga matatalik na kaibigan ay nag-iisa at sila ay palang nandyan para sa atin. May isang tao akong pinili at iyon ay si Arthur. Tinuturi ko siya bilang isang matalik na kaibigan. Ang ating matalik na kaibigan ay ang mga taong hindi tayo iiwanan; maging sa mga masasayang araw at sa malulungkot na sandali. Sila ay mga taong tiyak na tatayo sa iyong tabi at patuloy na ipagmamalaki ka. Sila ang nagtatago sa iyong mga sikreto at sila rin ay totoo sa kanilang mga nararamdaman. Tuwing tayo ay nagkakamali, binabalaan nila tayo at tinuruan kung ano ang tama.
Pinili ko si Arthur dahil matagal na kaming nagkasama; simula noong nasa ikalawang baitang pa lamang kami. Nagkaroon kami ng mga problema at mga hindi pagkakaunawaan. Kahit palagi kaming nagtatalo noon, naging malapit naman kami sa isa't isa sa paglaki namin. Palagi kaming nag-uusap tungkol sa lahat ng bagay pati na rin sa aming mga problema sa bahay at problema sa paaralan. Hindi man kami palaging nagkakasama, pero hindi mo naman kailangan na makakausap ang isang tao araw-araw para masasabi mong magkaibigan kayo. Kahit limitado na lamang ang aming pag-uusap ni Arthur, palagi ka rin kaming nagkakamustahan.
Magkaaway kami noon pero sa huli, naging malapit kami sa isa't isa. Noong batang bata pa lamang kami, hindi namin alam kung paano makipag-usap sa isa't isa nang maayos. Di tulad noon, nag-uusap na kami nang maayos ngayon. Nasa komunikasyon lang talaga iyan. Ang ating tunay at matalik na kaibigan ay galing sa mga pagsasamang hindi inaasahan. Ayon nga sa Country Living, "I may not always be there with you, but I will always be there for you."
Comments
Post a Comment