Kabutihan: Isapuso at Isagawa

    Ang tunay na kabutihan ng isang tao ay isang kayamanang hindi napapatanyan ng kahit anong halaga ng pera. Hindi mo kailangang magkaroon ng iilang milyon upang makagawa ng kabutihan at makatulong sa kapwa. Hindi mo kailangang magpanggap upang masabi na isa kang mabuti at matulungin na tao. Isa ito sa mga pangunahing bagay na dapat tandaan ng kabataan ngayon, at ang susunod na henerasyon na papalit sa atin. Ang ating henerasyon ngayon ay nasa panahon ng internet at social media kung saan, kinakailangang kumuha ng litrato upang mapatunayan ang iyong kabutihan. Laging tatandaan na ang isang mabuting asal ay nawawalan ng katapatan kapag ito ay ipangalandakan.
   Libu-libong butil ng bigas, milyon-milyong                           tulong sa labas.

          Noong Marso 27, 2020, ang COVID-19 ay kumalat sa buong Visayas, at ang mga tao ay nakaranas ng matinding paghirap lalo na sa paghanap ng pagkain. Mayroon ding mga taong walang natitirhan at naghirap sa paghanap ng masisilungan. Ang aking ama ay mayroong kompanya at mayroon din siyang maraming empleyado. Dahil nagkakaubusan na ang trabaho, nawawalan na rin sila ng mga proyekto na siyang dahilan kung bakit nawawalan sila ng trabaho. Napagdesisyunan ng aking ama na bigyan ng tig-iisang sakong bigas ang bawat empleyado at isang disenteng halaga ng pera upang may mapagkukunan sila ng pangtustos sa pang araw-araw na pangnailangan. Pinagbawalan niya ang kanyang mga empleyado sa paglabas sa bahay upang makahanap ng karagdagang trabaho dahil malalagay sa peligro ang kanilang buhay--lalo na't may mga anak sila. 
      Pangungutya'y wakasan, kabutihan ay                                       lakasan.
          Noong Mayo naman, isa sa aming mga kapitbahay ay nagkasakit dahil sa COVID. Kumalat ito sa iilang bahay at nagresulta sa anim na kaso ng COVID sa aming lugar. Noong nalaman ng iilang kapitbahay ang nasabing kaso ng COVID, pinandirihan ang pamilyang nagkasakit dahil nga tinawag silang "carrier of the virus" Dahil sa dungis sa karangalang gawa ng mga tao sa pamilyang nagkasakit, hindi na sila hinahayaang bumili ng pagkain o kahit anumang kinakailangan nila, at hindi rin hinahayaang papasukin ang mga delivery services malapit sa kanila. Napag-isipan ng aking ama na tulungan ang mga taong nagkasakit sa COVID at nagbahagi ng maliit na tulong sa pamamagitan ng pagbigay ng mga pagkain at disenteng halaga ng pera upang mayroon silang mapagkukunan para sa mga gastusin. 

    Hindi mo kailangang maging mayaman upang makatulong. Kahit gaano man kaliit ang iyong maitutulong; kapag ito ay busilak na ipinapakita mo, tiyak na marangal at mabuti kang tao. Wala sa halaga ng pera ang sumusukat ng kabutihan ng isang tao kundi nasa kalooban ito. Tigilan na ang pagpapakitang tao at simulan mo nang ipakita ang kabutihang kaya mong gawin. 

Comments

Popular Posts